Pagiging Call Center Agent, madali nga ba? - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Miyerkules, Oktubre 9, 2019

Pagiging Call Center Agent, madali nga ba?


Loading...

Ang Haba ng ipinila mo! Uuwi ka ng Madaling araw
dahil 1 day process daw. Typing and Online exams, magkabilang interview at pagkatapos

May lalapit sayo na may bitbit na folder sabay sabing...

"Congratulations! You've successfully passed the recruitment process! You are Hired!"

Yes! Call center agent ka na! Naks! Di ka na tambay! Sabay sabing - "maiaahon ko na sa hirap ang aking pamilya", Mapag-aaral ko na si neneng! ,"Bibili ako ng touch screen na phone!", Araw araw na akong kakain sa Jollibee!, "Makakapagcontribute na ako sa bayan sa pamamagitan ng buwis", ipopromote ang WORLD PEACE!, "magtatayo ng unyon para sa mga Call Center Agent!" At pwede ko ng ipaasassinate si Miley Cyrus" (kinalaman niya?)

Unang Trabaho, unang sabak sa telepono.
-syempre, memorable palagi ang unang call..

"I cannot understand you dear, just transfer me to someone else, i think you dont have any idea on what your doing" (sweet naman niya, smile emoticon ayaw niya ko mahirapan)

Hanggang sa Call Center Hopper ka na daw, dami mo kasing Employee i.d - pero syempre may mga eksenang "the best talaga!

1. Di mo alam ang tamang Petsa! Zombie! Gising! Pasok! Uwi! Tulog! Pero bumabalik ang kamalayan mo tuwing kinsenas at katapusan.

2. Hirap kang matulog sa bahay pero papikit pikit ka sa trabaho.

3. Dahil GY shift, meron dapat kwentong kababalaghan. Kesyo may namatay daw na agent sa opisina niyo dahil aksidente daw niyang nakain ang Avaya at nabulunan.

Ikaw: TL, biglang nagdrop yun call, may multo!
TL: ulol!

4. Alam mo ang mga term na "pitik" at "hadouken" tapos masusundan ng pagtatype sa notepad na "customer hang up"

5. Kahit minsan nakukupalan ka sa kanya, gusto mong halikan sa tuwa ang TL mo pag sinabi niyang, "aux 3- coaching tayo."

6. Pero malulungkot ka ulit, dahil may Complaint ka. Bagsak pa ang mga Audit sayo -opening at closing spiel lang ang nakuha mo!

7. Sa lahat ng buttons ng Avaya, ang Auto-in ang pinakamahirap pindutin! Parang may malakas na magnetic force na humihila sayo palayo! (Para mo na din sinabing "DIE NOW")

8. Nakatanggap ka na din ng perfect CSAT! pero may DISSAT ka din.

9. Legal ang alias! Kahit ang pangalan mo ay "BOGART" ayos lang na mag opening spiel ka ng, "thank you for calling, my name is nicole" smile emoticon (boses lalake)

10. Minsan naisip mong Mag amok! Sindihan ang smoke detector para magpaulan ng tubig ang sprinkler dahil queuing!

11. May kakilala kang biglang hinahagis ang Headset, hinahambalos ang kanyang mouse, hinahampas ang keyboard, dinudurog ang avaya dahil hindi tinatanggap ni customer ang paliwanag niya.

12. Dahil immersed tayo sa konsepto ng tamang "customer service", madalas kang mag amok sa mga fast food chain pag pakiramdam mo ay "Your'e not getting your Money's worth"

"Ano to? Sabi ko LEG part! Bakit tuyong Breast part ang binigay mo! Tawagin mo ang Manager mo!"

13. May kakilala kang ayaw tumigil kaka English kahit nasa pampublikong lugar!
(Nose Bleed)

14. Mahirap umisip ng dahilan kapag nalate ka dahil walang trapik at imposibleng umattend ka ng PTA meeting ng anak mo pag alas dos ng Madaling araw.

15. May kumpanya kung san todo english si Kuya Guard...

"Kuya san po dito yun sa payroll?"
Sagot ni kuya...
"I'm sorry but you must be aware that this is an English Only Zone"

At sumuka ka na ng Dugo... (Hahaha)

16. Bukod sa Crush mo e napapangiti ka din ng Ghost Call , kung saan para kang tanga na paulit ulit ng spiel. (SOP ito!!!)

17. Yun akala mo naka MUTE ka?? Hala Sige!! Tagalog pa!

CX: say what now?!!!!!
-pero dahil maparaan ka...
YOU: "oh, that was a secret passage written in the language of Mordor! That must be uttered to hasten your dwindling internet speed"

17. Naghahanap ka sa google ng mga sakit na pwedeng idahilan kapag aabsent ka, Mas "uncommon", Mas Maganda! Binubuo ito ng 3 o higit pang Medical Terms.

18. Hindi Big Deal ang AWOL.

B1: "Asan si Marvin?"
B2: "Nag - awol"
B1: "Ah, ok! Anong ulam sa pantry?"

19. Nakaupo ka na sa Work Station na kumukurap ang monitor, Comatose ang Mouse, at nababalot ng sangkatutak na Scotch tape ang Headset (parang naembalido lang)

20. Araw araw kang nakakrinig ng mga istorya tungkol sa bagong kumpanya.

"balita ko mas makaki daw offer dun! May pool sa ops area at may libreng isang kilong ubas tuwing pasko"

21. May mga kumpanya din na Galante at namimigay ng Souvenirs- ballpen na may logo, baso na may logo, payong na may logo at Lapida na may logo ng company.

22. Hindi rin mawawala ang LOVETEAM!
Naks! Tamis sa gitna ng masalimuot na mundo ng queuing.

23. Aminin mo man o hindi namangha ka din sa pintuan ng opisina na kailangan mo pang i-swipe ang ID mo para bumukas ang pinto!
"Ay Pota! Magic!"

Sabi nila di daw kailangan ng utak para makapag Call Center, hindi yan totoo!
Patalinuhan dito (kung paano mareresolve ang issue)
Maabilidad (sa pagtransfer)
Creativity (pag imbento ng dahilan para makapag bio break,clinic o aux 7 dahil sinipa ang saksakan ng CPU)
At Lakas ng Loob (sikmurain ang mga ingles na mura na naririnig mo lang sa hollywood movies o kanta ni Kanye west)

Karamihan sa mga kilala kong matatalino, mababait at may sense ay nakasalamuha ko sa nasabing industriya. (Kung nabasa nyo to at Teammate ko kayo, kaya ko din kayo tinag-- bente bente lang para sa mga papuring ito) smile emoticon

Hindi madali ang industriyang ito!! Pero..
Astig at Masaya diba?

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad