10 anyos na babae, pinatay at hinihinalang ginahasa sa Negros Occidental - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Miyerkules, Oktubre 30, 2019

10 anyos na babae, pinatay at hinihinalang ginahasa sa Negros Occidental

Natagpuang patay ang isang 10 anyos na babae sa gitna ng tubuhan sa bayan ng Murcia, Negros Occidental Miyerkoles ng gabi.

Hinihinalang ginahasa ang grade 5 student dahil wala na siyang saplot pang-ibaba.

Kuwento ng ate ng biktima, inutusan niya ang kapatid alas-4 ng hapon na pumunta sa tindahan para kunin ang pang-ulam sana nila.

Nang gumabi na, kinabahan sila nang hindi makauwi ang biktima kaya humingi na sila ng tulong sa barangay at mga kapitbahay.

Alas-9 ng gabi nang matagpuang wala ng buhay ang bata sa gitna ng tubuhan. Sa tabi niya ay nakita ang pang-ulam sana nila habang nakita ang kaniyang pang-ibabang saplot ilang metro ang layo.

Madilim, malayo sa highway at napapalibutan ng tubo ang daan patungo sa bahay ng biktima.

Ayon kay Police Maj. Roberto Dejucos, hepe ng Murcia Municipal Police Station, patuloy ang kanilang imbestigasyon para matukoy ang salarin.

Isasailalim sa pagsusuri ang biktima para alamin ang sanhi ng ikinamatay nito at kung nagahasa.

Loading...



Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad