Babae napilitang umakyat sa taas ng lalagyan ng gamit dahil sa siksikan sa tren - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Lunes, Setyembre 23, 2019

Babae napilitang umakyat sa taas ng lalagyan ng gamit dahil sa siksikan sa tren

Nag-ala Spiderman si ate!


Loading...

Marami sa ating mga Pinoy ay mandirigma. Mula sa ating mga ninuno na nakipaglaban sa mga banyaga upang makamtan ang ating kalayaan, hanggang sa ngayon na ipinaglalaban naman natin ang ating mga karapatan.

Ngunit mayroon ding kakaibang klase ng mandirigma na tiyak ay dito lang makikita. Ito ay ang mga mandirigma sa tren o ang mga tinatawag na “LRT/MRT/PNR warriors.”

Ito ay ang mga Pinoy na araw-araw nakikipagsapalaran sa pagsakay sa mga tren ng MRT, LRT, at PNR.

Kaya sila tinawag na mandirigma ay dahil tila isang digmaan ang kanilang nararanasan sa pagsakay sa mga tren na punonng-puno ng maraming tao at siksikan talaga.

Kumbaga, ‘di mahulugang karayom” na ang dami ng mga pasahero na sumasakay sa mga tren na ito tuwing rush hour. Kaya naman marami sa mga commuters ang nakikipagsapalaran na lamang sa paghihintay na makasakay sa bus.

Sa bus ay tiyak na mayroon kang mauupuan o kaya naman ay mayroon kang puwesto kahit nakatayo. Ngunit marami pa rin ang pinipiling sumakay sa mga tren dahil mas mabilis ang biyahe dito at walang traffic.

Sinabi ng kumuha ng litrato na si Ablanida sa GMA News na kahit sobrang siksikan at halo-halo na ang amoy sa loob ng tren, nagawa pa umanong makatulog ng babaeng nasa lalagyan ng mga bagahe.

Ayon pa sa kaniya, sa sobrang sikip ay isang pasahero pa umano ang nawalan ng malay. Halos magtulakan na rin daw ang mga pasahero papasok at palabas ng tren para lang makauwi.

Halo-halong reaksyon naman ang nagmula sa mga netizens:

“Lahat ng pasahero ng PNR ay mandirigma… Mabuhay tayong lahat“

“Sana mapansin ng kinauukulan na dagdagan ang mga bagon na bumabyahe at interval ng byahe lalo na kapag rush hour.”

“Ganyan kahirap ang transportation sa Pinas. Kahit ano gagawin makauwi lang para maaga makapagpahinga.“

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad