TAGUIG: Mga batang nagtatapon ng dumi ng tao sa mga sasakyan sa C5, huli sa dashcam! - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Sabado, Agosto 17, 2019

TAGUIG: Mga batang nagtatapon ng dumi ng tao sa mga sasakyan sa C5, huli sa dashcam!


Ilang menor de edad, huli sa dashcam na nagtatapon ng dumi ng tao sa mga sasakyan sa Taguig


Loading...

Habang binabagtas ng isang TNVS driver ang C5 southbound lane madaling araw ng Biyernes, biglang may binato sa windshield ng kaniyang sasakyan ang ilang menor de edad na nasa center island.
"'Yung isa, biglang tumayo. Binato sa'kin 'yung plastic na buo... dire-diretso na 'ko. Hindi na ako huminto. Natakot kasi ako e," sabi ng driver sa ulat ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.
Nang makalayo na, tiningnan niya kung ano ang ibinato ng mga bata. Umalingasaw raw ito.
"Pagdating sa Sucat, nung pagbaba ng pasahero ko, tiningnan ko kung ano, kung ano 'yung binato sa'kin, dun ko nalaman na dumi pala ng tao po kasi ang baho. Pagbukas ko ng pinto, sobrang baho po talaga," kuwento ng driver.
Pinuntahan ng GMA News ang Barangay Pinagsama kung saan nangyari ang insidente. Ayon sa mga opisyal ng barangay, marami na raw nagrereklamo sa kanila tungkol sa mga batang nambabato ng mga sasakyan sa C5.
Nitong Huwebes, isang taxi ang nabasagan ng salamin nang batuhin ng mga bata.
Lima na ang reklamo ngayong buwan. Ang mga bata, may taga-Makati, may taga-Taguig.
Iba't ibang grupo umano ng mga kabataang may edad 10 hanggang 15 ang mga nambabato. Madalas daw itong mangyari pag madaling araw.
Sot. Ester sanchez, vawc desk duty, brgy pinagsama, taguig
"Sabi raw ng mga ito, 'Trip' lang daw nila ang pambato ng mga motorista," sabi ni Ester Sanchez, Anti-Violence Against Women and Children desk duty sa Brgy. Pinagsama, Taguig.
Nagpapatupad naman daw ang barangay ng curfew.
"10:30 p.m. pa lang po, nagro-roving na kami. Kaso pagkatapos po naming mag-ikot, naglalabasan uli ang mga bata," sabi ng barangay administrator na si Virgilio Florano.
Ayon sa Anti-VAWC committee ng barangay, hindi puwedeng kasuhan at ikulong ang mga bata. Kaya ipinapatawag nila ang mga magulang ng mga ito.
"Kinukuha namin ang exact address... may community service din kaming pinagagawa sa kanila," ani Sanchez.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad