Pagtawag sa emergency hotline 911 libre na sa mga subscribers ng PLDT, Smart, TNT at Sun - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Biyernes, Agosto 9, 2019

Pagtawag sa emergency hotline 911 libre na sa mga subscribers ng PLDT, Smart, TNT at Sun


  • Pagtawag sa emergency hotline 911 libre na sa ilang telcos
  • Libre na para sa mga subscribers ng PLDT, Smart, TNT at Sun ang tawag sa 911
  • Hinihimok ng DILG ang ibang telcos na gawing libre ang tawag sa emergency hotline


Loading...

Ipinahayag ni Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government (DILG) na wala nang bayad ang pagtawag sa emergency hotline 911 para sa lahat ng subscribers ng PLDT, Smart, Talk and Text (TNT) at Sun.
Kasabay ng ginawang anunsiyo ay nagbabala si Secretary Año na hindi dapat gamitin ang libreng tawag sa panloloko o mga prank calls. Aniya, sa ilalim ng batas ay may katapat na parusa sa mga prank at fraudulent calls.

“Libre na po ang pagtawag sa Hotline 911 sa PLDT at tatlong mobile networks pero hindi ibig sabihin ay gagamitin natin ito para sa panlol0ko,” sabi ni Secretary Año.

“Pasensyahan po tayo, kapag kayo po ay aming nahuli, kayo po ay mapaparusahan. May mga kababayan po tayong nangangailangan ng tulong na maaaring hindi kaagad ma-respondehan dahil sa mga prank calls na ito,” dagdag ng kalihim.

Get ₱2,200 FREE Credits from Airbnb!

Sa ilalim ng Presidential Decree 1727, ang mga mapatutunayang gumawa ng prank calls ay posibleng makulong ng hanggang limang taon o pagmultahin ng hanggang P40,000.

Hinihikayat ni Sec. Año ang publiko na huwag nang magdalawang-isip na tumawag sa 911 kahit walang load ang mga mobile phone dahil nga libre na ito.

“Huwag po kayong magdalawang-isip na i-dial ang 911 sa panahon ng emergency. We will not let the lack of mobile credit get in the way of saving lives as every second is important during emergency situations,” aniya.

Batay sa datos ng DILG Emergency 911 National Office,  umaabot sa 3,500 ang mga tumatawag sa hotline kada buwan.

Nanawagan si Sec. Año sa iba pang telecommunication companies na gawin na ring libre ang tawag sa 911.

Sa ngayon, sinabi ng Globe Telecom na kinukumpleto pa nila ang “technical validation” upang gawing libre ang pagtawag sa emergency hotline.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad