MMDA spokesperson Celine Pialago inireklamo sa ABS-CBN ang reporter na si Doris Bigornia, Kapamilya network may sagot na - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Biyernes, Agosto 9, 2019

MMDA spokesperson Celine Pialago inireklamo sa ABS-CBN ang reporter na si Doris Bigornia, Kapamilya network may sagot na

Nagreklamo ang tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Celine Pialago laban sa ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia.


Loading...

Sa pamamagitan ng isang sulat ay pormal na inireklamo ni Pialago kay ABS-CBN News and Current Affairs Division Head Ging Reyes ang diumano’y paninigaw at pananakit na ginawa sa kanya ng reporter. Inireklamo rin niya ang paninirang-puri sa kanya ni Ms. Bigornia.

Nangyari ang insidente sa isinagawang fire drill sa Makati City Hall. Hindi sinasadyang nabangga ni Pialago si Doris Bigornia at agad naman daw siyang humingi ng paumanhin sa nangyari subalit sinigaw-sigawan daw siya ng reporter at sinaktan pa.

“I accidentally bumped into Ms. Bigornia. I apologized to her but instead she struck me and kept shouting at me as if I deliberately did it,” reklamo ni Pialago.

Inilahad na rin ni Pialago ang iba pang insidente kung saan hiniya raw siya ni Bigornia.

“During a press conference she shouted to her camera operator, ‘Si GM (MMDA GM Jojo Garcia) lang kukunan mo sa frame ‘wag mo isama ‘yang katabi niya,” sabi raw ni Doris Bigornia, ayon kay Pialago.
“She was backstabbing me, saying my nose is fake, my body is fake, and everything about me is fake and that is totally below the belt,” dagdag reklamo pa ng MMDA spokesperson.

Bukod sa reklamo, nakiusap si Pialago sa ABS-CBN na sana ay ibang reporter na lang ang mag-cover sa MMDA beat.

Nagbigay naman ng pahayag ang ABS-CBN at sinabing ipauubaya sa Office of the Network Ombudsman ang imbestigasyon sa reklamo ni Pialago.

Narito ang pahayag ng TV network:

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad