John Lloyd gagawa ng comeback movie sa direksyon ni Direk Cathy? - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Biyernes, Agosto 9, 2019

John Lloyd gagawa ng comeback movie sa direksyon ni Direk Cathy?


  • Posible raw magkaroon ng comeback movie ang aktor na si John Lloyd Cruz
  • Kuwento ng batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina, kinausap siya ni Cruz bago pa gawin ang “Hello, Love, Goodbye”
  • Umaasa raw ang direktor na matutuloy ang proyektong ito kasama si John Lloyd
Loading...


Isa ka ba sa mga nananabik nang mapanood muli sa isang pelikula ang isa sa mga pinakapaboritong leading man sa Pilipinas na si John Lloyd Cruz? Good news, posible raw na magkaroon ng comeback movie ang aktor.

Sa isang recent episode ng Tonight with Boy Abunda, ibinahagi ng batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina na nagkausap sila ni Cruz bago pa ang shooting ng “Hello, Love, Goodbye”. Tinanong daw siya nito kung totoo ba ang nabalitaan nito na magreretiro na siya; bagay na pinabulaanan naman niya dahil magpapahinga lang naman daw siya.

“He called me po before I started this movie. Sabi niya, ‘Ano tong nababalitaan kong magre-retire ka na?’ Sabi ko, ‘Hindi, hindi yan totoo!’” natatawang kuwento ng direktor. “Sabi niya, ‘Pagbalik ko na lang gawa tayo ng pelikula. ‘Pag balik mo.”

Umaasa naman daw ang direktor na matutuloy ang proyektong ito kasama ang aktor na talagang nami-miss na ng madla.

Samantala, bago magpahinga pansamantala ay may gagawin daw muna siyang pelikula kasama si Piolo Pascual.

“Maybe I’m coming back. Let’s not call it retirement, a break,” paglilinaw ni Direk Cathy. Dagdag pa niya, bukod sa movie ni Piolo ay may isa pa siyang idi-direk at saka itutuloy ang sinasabi niyang break.

“Dapat isa na lang po with Piolo but then pumayag pa po akong another one after this (movie with Piolo),” aniya.

Tinanong ng host na si Boy Abunda kung ang isang pelikula ba ay ang magiging comeback film ni John Lloyd Cruz.

“Sana, pero hindi pa po napag-uusapan,” wika ng batikang direktor.


Narito ang Tonight With Boy Abunda episode kung saan nag-guest si Direk Cathy:

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad