LOOK: Memes ni Dimples Romana aka ‘Daniela Mondragon’ viral sa social media - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Linggo, Hulyo 7, 2019

LOOK: Memes ni Dimples Romana aka ‘Daniela Mondragon’ viral sa social media


Mainit at pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang kwelang mga memes tungkol sa karakter ni Dimples Romana sa Kapamilya teleserye na ‘Kadenang Ginto’.

Ito ay matapos ilabas ang trailer ng Season 3 ng nasabing serye kung saan makikita si Daniela Mondragon, ang karakter ni Dimples na suot ang isang red dress, may dalang bahage at naglalakad sa kalsada.

Representasyon ito ng pagbaliktad ng mundo ni Daniela matapos ang mga ginawang kasamaan laban kay Romina, na karakter naman ni Beauty Gonzales.

Ang naturang trailer ay trending sa YouTube at mayroon nang halos 3.2 million views.

Related: Dimples Romana, bagong Tourism Ambassador ng Pilipinas


Hindi pinalampas ng mga Pinoy ang nasabing trailer at ginawan ng memes si Daniela na tila halos nalibot na nito ang buong Pilipinas.

Ilan sa mga memes ay dinala ang karakter sa mga lalawigan; sa ilang mga okasyon tulad ng pista at prusisyon; at kalamidad tulad ng pagbaha.

Hindi naman ‘offended’ si Dimples sa mga memes at para sa kanya ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng fans.

Hinahangaan ang aktres sa husay sa pagganap mula sa kanyang karakter bilang ‘Amanda’ sa ‘The Greatest Love’, ‘Babaylan’ sa ‘Bagani’ at ngayon bilang si ‘Daniela Mondragon’ sa Kadenang Ginto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad