Batas vs prank callers, isusulong ni Sen. Bong Go - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Martes, Hulyo 16, 2019

Batas vs prank callers, isusulong ni Sen. Bong Go


Isinulong ni Senador Christopher Bong Go para maging ganap na batas ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na Executive Order no. 56 bilang paglaban sa mga prank callers.

Ipinaliwanag ni Go na layon nitong matigil ang pagsasamantala ng mga walang magawang mabuti na sa halip na makatulong ay nagdadagdag pa ng problema sa mga hotlines ng gobyerno.

Sinabi ni Go na dapat may katakutang parusa ang mga gumagawa ng prank calls para naman mas matugunan ang mga lehitimong emergency services.

Ayon kay Go dapat na mga totoong emergency concerns lang ang tugunan ng Emergency 911 upang mas maraming buhay ang mailigtas at matulungan ng emergency hotlines.

Kabilang sa mga posibleng haraping penalty o parusa ng mga prank callers ang aresto menor na may multang P5,000 sa first offense, Aresto mayor na mayroong P10,000 na multa para sa second offense at Prison correctional na may multang P20,000 oara sa third offense at mga susunod pang pagkaaresto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad