ALAMIN Ano ang maaaring ikaso sa mga tsismoso at tsismosa? - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Martes, Hunyo 11, 2019

ALAMIN Ano ang maaaring ikaso sa mga tsismoso at tsismosa?

Kahit saang bansa, hindi mawawala sa ugali ng mga tao ang pagiging tsismoso at tsismosa. Kung makikita ninyo sa mga  headlines ma-social media man o sa reyalidad, kapag may narinig kang isang isyu sa isang bagay ay madalas nakikitsimis it. Minsan nga lang mali ang naipasang balita at ipinagkakalat agad sa ibang tao.

Ayon sa batas, ang pagiging tsismoso o tsismosa ay pwede nang makasuhan kahit ginagawa lang ito gamit ang social media gaya ng Facebook. Kapag nakita ng tao ang pangalan nang nag tsismis kasama ang pangalan ng kanyang chini-tsismis ay pwede itong gamitin ebidensya laban sa kanya. Hangga't may kumpletong detalye sa ikakaso ng biktima,ay pwede ito ipasakorte.

Ipinatupad sa Brgy. Upper Quarry, Baguio City ang Anti-Tsimis Ordinance. Unang parusa na pwedeng sampahan ay ang Libel case at slander. At ang pangalawa ay slander by deed.

Ang libel case ay ang pagbibigay ng maling impormasyon sa isang tao na nagreresulta ng ikakasira nito sa pamamagitan ng pagpopost sa social media or pagsusulat sa isang papel o nota.

Ang slander naman ay isang pagbibigay ng maling impormasyon sa isang tao na nagreresulta parin ng ikakasira ng imahe sa pamamagitan ng pagsasalita or pag chitsismis nito at ipinagkakalat sa ibang tao.

Ang slander by deed ay ang paninirang puri sa salita o kilos ng isang tao na nagreresulta ng pagkakasira ng karakter or reputasyon ng isang tao na may parusang kulong under Article 359 ng Revised Penal Code.

Kaya kung may kakilala kayong mga tsismoso o tsismosa na sumisira ng karakter na walang ebidensya ay pagsabihan nyo na. Baka sa kulungan na sila pupunta.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad