Several road works in Metro Manila will affect the traffic this Christmas season - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Sabado, Oktubre 6, 2018

Several road works in Metro Manila will affect the traffic this Christmas season

Inabisuhan ang mga motorista sa posibleng paglala ng trapiko bunsod ng mga nakaambang road work at pipe construction sa Metro Manila.


Bukod sa road at maintenance works na inanunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa weekend, nag-abiso rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng sari-saring construction works ang ilang telecommunication at water companies sa darating na mga buwan.

Simula 11 ng gabi Sabado ay magsasara nang dalawang buwan ang U-turn slot malapit sa Don Antonio Heights sa Commonwealth Avenue dahil sa MRT-7 construction. Pero ayon sa MMDA ay maaaring buksan ito bago mag-Pasko.

Magsasagawa rin ng maintenance works ang PLDT sa Rizal Avenue, Solis, Tayuman, Bambang, at Batangas Street, na tatagal hanggang Disyembre 1.

Patuloy rin ang pagkakabit ng aerial fiber optic ng nasabing kompanya sa Marcos Highway corner Amang Rodriguez, Marikina City, na aabot nang dalawang buwan.

Magsasagawa naman ang Eastern Telecommunications Inc. ng installation ng fiber optic cable sa paligid ng PICC, Senate Building, GSIS complex, Trade and Training Center, Philippine National Bank at Sofitel Philippines Plaza sa Pasay, na magtatagal nang dalawang buwan.

Nakiusap si MMDA Spokesperson Celine Pialago na maging mapagpasensiya ang mga motorista kasunod ng pagsisimula ng mga proyekto.

Lilimitahan din daw nila ang road repairs na gagawin sa mga susunod na buwan. Magsasagawa rin daw sila ng mas maraming clearing operations.

Giit niya na "emergency" ang mga umarangkada nang maintenance repairs kaya pinahintulutan nila ang mga ito.


Makikipag-ugnayan na rin sila sa mga kinatawan ng mall kung paano pangangasiwaan ang traffic habang holiday season.

Iminumungkahi nila ang mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabing schedule para sa mga mall sa may EDSA.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad