WATCH: Isang nanay humingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo dahil sa pagiging batugan ng anak - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Biyernes, Hunyo 1, 2018

WATCH: Isang nanay humingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo dahil sa pagiging batugan ng anak



Isang nanay ang humingi ng tulong kay Radio broadcaster Raffy Tulfo tungkol sa pagiging batugan ng kanyang anak at tamad maghanap ng trabaho.


Sa progama ni idol Raffy Tulfo ay dumulog si Nanay Annie Gavino upang humingi ng tulong kay Tulfo na baka sakali makumbinsi nito ang anak na magbagong buhay.
Ikwenento ni nanay ang pagiging pabigat ng anak dahil imbes na tumulong ito ay naging perwisyo pa sa kanya.
Ayon pa kay nanay, lagi umanong humihingi ito ng pera sa kanya pang-apply ng trabaho ngunit hindi rin naman daw naghahanap ng trabaho.
Saad pa ni nanay na siya nalang ang inaasahan sa pamilya dahil pumanaw na ang asawa nito at may inaasikaso pa siyang anak na PWD. Kaya dagdag pahirap rin umano sa kanya ang anak na laging humihingi ng pera at hindi man lang kumakayod para sa sariling pamilya.
Paliwanag naman ng anak na si Ariel Gavino ay wala rin umanong bakanteng trabaho sa kanyang inapplyan. Saad pa niya sa kanyang mga nakaraang trabaho kaya siya nag-reresign ay dahil nalalayoan siya at walang pera pamasahe.
Bwelta naman ni Tulfo na kaya madaling magsawa sa trabaho si Ariel ay dahil masarap umano umasa sa magulang.


“Masarap ang palamunin, iyon po ba ang ibig niyong sabihin? Samantala, marami sa ating kababayan gustong-gusto makapagtrabaho. Ikaw nakakapagtrabaho madali magsawa.”
“Marami sa mga trabahador sa Maynila bumabyahe ng mahigit isang oras, minsang tatlong oras pa papuntang work pero hindi sila nagsasawa. Pero ikaw 15 minutes natatagalan ka na,” dagdag nito.
Ang mga paliwanag niya ay hindi lumusot kay Tulfo. At nang tanungin nito sa nanay kung gumagamit ba ito ng droga ay sinabi ng kanyang ina na ito ang ugong-ugong sa kanilang lugar ngunit hindi niya daw nahuhuli na gumagamit.
Kaya suhuwesyon rin ng kanyang ina ay “kung hindi magbabago ay ipakulong na lang”.
Banta rin ni Tulfo na dapat magbago na si Ariel kung hindi ay ipapatokhang niya ito sa mga pulis na kakilala niya sa Nueva Ecija.
Pangako naman ni Ariel ay magbabago na at maghahanap ng trabaho.
Sa tulong ni Tulfo at ng kanyang programa ay binantayan nila si Ariel kung tutuparin ang pangako nito.
Naging maganda naman ang resulta dahil nagsusumikap na umano itong maghanap ng trabahong mapapasukan.
Nagpapasalamat rin si nanay kay Tulfo dahil nagawa nitong mapatino at magpursigeng maghanap ng trabaho ang anak.
Panoorin ang buong kwento:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad