Sheryl Cruz, ibinahagi ang sikreto ng 25-inch waistline - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Miyerkules, Hunyo 6, 2018

Sheryl Cruz, ibinahagi ang sikreto ng 25-inch waistline



Abala man sa taping ng My Guitar Princess, pinaglalaanan pa rin ni Sheryl Cruz ng oras ang kaniyang kalusugan, na kita sa kaniyang mga hula hoop dance videos sa Instagram.


Ayon pa kay Sheryl, mas confident na siya ngayon, dahil nakipagsabayan siya sa iba pang celebrity mommies kamakailan sa pagsasayaw nang naka-two piece sa "Ignite" concert ni Regine Tolentino.Ito raw ang kaniyang fitness tip sa mga abalang nanay. "It's actually an activity for the entire family. At walang age limit basta maayos ang buto ng katawan mo," sabi ni Sheryl sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ngayong Miyerkoles.
May disiplina ang pagpapanatili ni Sheryl sa kaniyang 25-inch waist line.
"Kasama diyan ang diet at saka ibang exercise like zumba. Amazingly, talagang effort and time tsaka patience," sabi pa ng aktres.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad