Netizens pinuri ang Mayor ng Sultan Kudarat matapos tumulong sa batang may kapansanan - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Biyernes, Hunyo 1, 2018

Netizens pinuri ang Mayor ng Sultan Kudarat matapos tumulong sa batang may kapansanan



Pinuri at hinangaan ng mga nerizens ang kabaitang ipinakita ng isang Mayor na hindi nag-atubiling tulungan ang isang may kapansanan.

Makikita sa kuhang video na huminto ang alkalde upang kausapin ang batang may kapansanan.
Ayon sa kanyang Facebook page, galing ang alkalde sa skwelahan upang bumoto at habang tinatahak ang daan papauwi ay nadaanan nila ang batang gumagapang.
Si Datu Shameem Biruar Mastura ay alkalde ng Sultan Kudarat sa Maguindanao.
Nang makaharap ni Mayor Mastura ang bata ay agad itong inabutan ng pera at ipinangako niya dito na bukas na bukas rin ay bibigyan niya ito ng wheelchair.
Nagmalasakit ang alkalde matapos makita ang sitwasyon ng bata. Gumagapang lamang ito pauwi ng kanilang bahay at tiyak iyon ang naging dahilnagtulak sa mayor na tulungan ang bata upang hindi na mahirapan pa.
Basahin ang buong kwento:
“Kaninang tanghali pagkatapos bumoto ni mayor habang tinatahak niya ang daan papuntang municipyo nadaanan nito ang isang PWD na batang ito na gumagapang sa kalsada dahil hindi ito makalakad nung tinanong ni mayor kung saan siya papunta sagot ng bata kukunin daw niya ang cellphone niya sa kapit bahay nung nakita ito ni mayor agad niyang pinahinto ang sasakyan at binabaan ang batang ito upang matulungan ayon pa sa alkalde babalik siya sa barangay na ito bukas at babalikan niya ang batang ito para bigyan ng wheelchair at iba pang assistance sabi pa ni mayor ayaw niya nang makita pang muli ang bata na gumagapang sa kalsada kaya bibilhan niya ito ng wheelchair.#abangan ang susunod na kwento bukas.”
Samantala, laking pasasalamat ng mga netizens sa alkalde dahil sa kabaitang ipinapakita at pinahalagahan nila ang pagmamalasakit nito sa nasasakupan niya.
Sa ngayon, umabot na sa 16 thousand ang nagshare ng video at mahigit 6,000 ang nagbigay ng reaksyon dito.

Narito ang mga naging komento ng mga netizens sa alkalde:


Commented on Datu Shameem Biruar Mastura’s public post
Commented on Datu Shameem Biruar Mastura’s public post
Commented on Datu Shameem Biruar Mastura’s public post
Commented on Datu Shameem Biruar Mastura’s public post
Commented on Datu Shameem Biruar Mastura’s public post


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad