Lalaki patay sa pananaksak ng mga kapitbahay sa Parañaque - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Martes, Hunyo 26, 2018

Lalaki patay sa pananaksak ng mga kapitbahay sa Parañaque


Patay ang isang lalaki sa Parañaque City matapos pagsasaksakin ng kaniyang mga kapitbahay dahil umano sa alitan sa ari-arian.


Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Frederick Lagliva matapos magtamo ng walong saksak nang mauwi sa rambol ang pakikipagsagutan niya sa magkakapatid na sina Jonas, Jesryl, at John Mark Isado noong gabi ng Linggo.
"Nagmakaawa iyong kapatid ko, 'Tama na, tama na.' Hindi sila naawa," ayon sa kapatid ng biktima na si Alma.
Ayon pa kay Alma, dati nang nakaalitan ni Frederick ang magkakapatid dahil gusto umano ng mga Isado na lagyan ng mga alagang manok ang tapat ng bahay nina Frederick pero tinutulan ito ng biktima.
Nagtamo naman ng mga sugat at pasa ang pamangkin ni Frederick na si Royd.
Naaresto si John Mark habang pinaghahanap pa ang kaniyang mga kapatid at ang pinsan na si Silay Alabado.
Ipinag-utos din ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang pagtugis sa mga suspek.
"Nagbigay na ako ng instruction para sa manhunt operation doon sa iba nilang kasamahan," ani Eleazar.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong murder.

Loading...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad