Isang sikat na beach sa Batangas nilinis ng mga lokal na residente matapos itong babuyin ng mga turista - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Martes, Abril 3, 2018

Isang sikat na beach sa Batangas nilinis ng mga lokal na residente matapos itong babuyin ng mga turista

Image may contain: one or more people, people standing, ocean, mountain, beach, outdoor and nature

Hindi mahulugang karayom ang Masasa Beach sa Tingloy Batangas matapos dayuhin ng higit sa 15,000 turista nitong nagdaang Mahal na Araw.


Kaakibat ng pagdami ng turista ay ang pagdami ng basura. Bagaman may mga tamang lugar ng tapunan, signages, mga bantay dagat at paalala na inilagay ang lokal na pamahalaan ay di na rin nakontrol dahil sa kakulangan ng disiplina at di inasahang dami ng turista.

Kaya isang Coastal Cleanup ang isinagawa kaninang umaga kung saan nakilahok ang halos 300 katao na binubuo ng mga LGU’s, Hotel and Restaurant Owners, Tricycle Drivers, Mangingisda at mga ordinaryong mamamayan ng Tingloy.

Isang magandang halimbawa ng pagkakaisa ng mamamayan ng isang kumunidad at pagpapakita na ang pinakaunang dapat nagpapahalaga sa mga likas na yaman ay ang mga taong naninirahan dito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad