Delivery boy ng softdrinks, hinoldap - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Huwebes, Marso 8, 2018

Delivery boy ng softdrinks, hinoldap


Kahit maliwanag pa ang araw, walang takot na umatake ang dalawang kawatan na armado ng baril para holdapin ang delivery boy ng softdrinks sa Pandi, Bulacan.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Huwebes, makikita sa kuha ng CCTV na abala ang biktima at kaniyang kasama sa pagbaba ng idedeliber na softdrinks.

Ilang sandali lang, dumating ang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo na parehong may takip ang mukha at armado ng baril.


Nilapitan at tinutukan ng isang suspek ang isang delivery boy at sapilitang kinuha ang sling bag.
Ang isa pang suspek, tinutukan naman ang kasamahan ng biktima at saka sila pinapasok sa loob ng tindahan.

Kaagad na tumakas ang mga salarin dala ang sling bag ng biktima na hindi sinabi sa ulat kung ano ang laman.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.


Source: GMA News

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad