19 patay, 21 sugatan sa aksidente sa Occidental Mindoro - Philippines Today

Breaking

Home Top Ad

Loading...

Post Top Ad

Loading...

Miyerkules, Marso 21, 2018

19 patay, 21 sugatan sa aksidente sa Occidental Mindoro


Patay ang 19 katao habang 21 naman ang sugatan matapos mahulog ang kanilang sinasakyang bus sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro Martes ng gabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng kontrol ang drayber ng Dimple Star Transport bus habang binabagtas ang national highway ng Barangay San Agustin pasado alas-9 ng gabi.
Kuwento naman ng ilang nakaligtas na pasahero, nawalan umano ng preno ang bus habang patawid sa Patrick bridge kaya nahulog ito sa bangin.
Kabilang sa mga namatay ang drayber at kaniyang konduktor.


Ayon naman kay Senior Supt. Romie Estepa, director ng Occidental Mindoro Provincial Police Office, iniimbestigahan pa nila ang sanhi ng aksidente.
"Hindi pa natin malaman kung human error o technical," aniya.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Dimple Star Transport ukol sa aksidente.
Ani Estepa, 6 pa lang sa mga nasawi ang na-identify ngayong Miyerkoles ng umaga.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng ibang pasahero.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Loading...
loading...

Follow by Email

Post Bottom Ad